^

Metro

Banko hinoldap ng 7 armado

-
Hinoldap ng pitong armadong suspect ang isang bangko sa loob ng isang malaking mall kahapon ng hapon sa Fairview, Quezon City.

Dakong alas-4:30 ng hapon nang pasukin ng mga suspect na armado ng mga kalibre .45 baril, Uzi pistol at armalite rifle ang Bank of the Philippine Islands sa loob ng isang kilalang mall sa Fairview. Sinamantala umano ng mga suspect na papasara na ang banko nang looban nila ito kung saan sinipa at pinalo sa ulo ang nag-iisang guwardiya sanhi upang mawalan ito ng malay. Dumiretso ang mga suspect sa counter ng banko at nilimas ang laman ng drawer. Hindi naman nabatid kung nabuksan ng mga suspect ang vault ng banko.

Mabilis na tumakas ang mga suspect sakay ng isang Toyota Revo na may plakang XJT-421 at isang silver na Hyundai van na may plakang WAX -977. Patuloy pa rin ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya ukol dito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

DAKONG

DANILO GARCIA

DUMIRETSO

FAIRVIEW

HINOLDAP

HYUNDAI

MABILIS

QUEZON CITY

TOYOTA REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with