Preso dedo sa escort
April 21, 2007 | 12:00am
Isang inmate na sangkot umano sa iba’t ibang uri ng krimen at sinasabing pangunahing suspect sa pagpatay sa isang pulis ang nabaril at napatay ng dalawa sa apat nitong escort na pulis matapos umanong mang-agaw ng baril habang ito ay dadalhin sa Prosecutor’s Office kahapon ng tanghali sa Caloocan City.
Nakilala ang nasawi na si Dominador Obioco, 28 , alyas Jojo Lupin.
Ang mga escort na pulis ay nakabalik na sa kanilang puwesto matapos na makuhanan ng statement ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan-PNP ay sina SPO1 Ermin N. Hipolito, PO2 Gerardo T. Danga-Ap, PO1 Pemat T. Taguinod at PO1 Freddie H. Dunga, pawang nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 16, Sub-Station (SS) 4.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-12 ng tanghali ng maganap ang nasabing insidente sa may Gen. Luis Industrial Subdivision, Kaybiga ng nasabing lungsod.
Ayon kay PO3 Joel Montebon, may hawak ng kaso, kasalukuyang sakay si Obioco sa PCP mobile patrol kasama ang mga nabanggit na pulis para dalhin sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa inquest filling hinggil sa kaso nitong illegal possession of firearms at paglabag sa omnibus election code (gun ban) nang makalag ang posas nito. Tinangka umanong agawin nito ang 9mm na baril ni SPO1 Hipolito kung saan nakapag-agawan naman ang pulis. Dahil dito tuluyan nang pinaputukan ng iba pa niyang escort si Obioco na tinamaan sa kanang bahagi ng katawan at dibdib.
Tinangka pang isugod sa pagamutan ang naturang bilanggo subalit idineklara na itong patay.
Napag-alaman pa, si Obioco ay pangunahing suspect sa robbery with homicide na naganap noong umaga ng Disyembre 9, 2006 sa kahabaan ng Capt. D. Rico Street cor. San Antonio Street, Camarin, Barangay 174, Caloocan City kung saan ang naging biktima nito ay si PO1 Jesus Soliman na nakatalaga sa DILG Camp Crame, Quezon City. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended