^

Metro

Lalaki dinedo ng sindikato ng droga

-
Hinihinalang isang dating miyembro ng drug syndicate ang pinatay sa saksak ng hindi pa nakikilalang salarin, na posibleng pinapatay ng lider nito nang tumiwalag umano ang una sa naturang grupo upang magbagong buhay, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nasawi noon din ang biktimang si Roy Dayrit, 31, may asawa, nakatira sa Area 2, Brgy. 162, Big Banana St., Sta. Quiteria, ng nabanggit na siyudad, nagtamo ito ng malalim na saksak sa dibdib buhat sa isang patalim.

Tumakas naman ang hindi pa nakikilalang suspect matapos ang isagawang pamamaslang.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Station Investigation Branch (SIB), Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas -11:45 ng gabi sa harap ng isang bahay sa 571 Ignacio Compound, LRT, Brgy. 162 Sta. Quiteria ng nasabing lungsod.

Ayon sa isang Ronald Cagara, 20, at ka-lugar ng biktima, nakita niyang naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang salubungin ito ng di-nakikilalang salarin at walang anumang salita, agad na inundayan ng saksak sa dibdib si Dayrit.

Sa kabila na duguan ang biktima ay pinagsumikapan pa nitong magtatakbo subalit hindi pa man nakalalayo ay walang buhay itong bumagsak sa lupa.

Napag-alaman mula sa ilang nakakakilala kay Dayrit na ito umano ay dating miyembro ng sindikato sa droga at nakapag-isip na tumiwalag na para magbagong buhay.

Sa teorya ng pulisya, posibleng pinapatay ang biktima ng lider ng dati nitong kinaaanibang sindikato. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente. (Lordeth Bonilla)

BIG BANANA ST.

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAYRIT

IGNACIO COMPOUND

LORDETH BONILLA

QUITERIA

RONALD CAGARA

ROY DAYRIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with