Carjackers umatake sa Pasig
April 20, 2007 | 12:00am
Matapos ang pamamayagpag sa lungsod ng Quezon ay tila lumipat ng operasyon ang mga carjackers matapos mambiktima ang mga ito sa Pasig City, kamakalawa ng gabi at tangayin ang isang mamaha ling van ng isang negosyante.
Kahapon ay dumulog sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD) ang isang 42-anyos na biktima na nakilalang si Ricky Punzalan ng Block 4 Lot 29 Villa Luisa 1 Dasmariñas, Cavite.
Sa salaysay ni Punzalan, naganap ang insidente pasado alas-7 ng gabi sa may kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, C-5 Road Brgy. Bagong Ilog ng nasabing lungsod.
Nabatid na habang tinatahak ng biktima ang naturang kalye ay nakaramdam ito ng gutom kaya’t nagpasyang ihinto ang kanyang sasakyan na isang Ford Everest 4X2 MT Wagon, may plakang ZDT-471 sa gilid ng kalsada upang bumili ng makakain.
Pagkababa ng biktima ay agad itong hinintuan ng apat na kalalakihan na sakay ng isang kotse.
Bumaba ang dalawang suspect na armado ng baril at sapilitang kinuha ang susi ng sasakyan ng biktima at saka ito pinababa.
Naiwan naman ang dalawang kasamahan ng mga suspect sa kotse na nakatutok ang baril sa biktima.
Pagkakuha sa susi ay agad na pinasibad ng mga suspect ang sasakyan ng biktima patungong Libis, Quezon City na kung saan naka-convoy dito ang sasakyan ng dalawa pang suspect.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa naturang pangyayari. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest