^

Metro

Eroplano nag-crash, piloto patay

- Nina Ellen Fernando At Rose Tamayo-Tesoro -
Natusta ang isang piloto nang bumagsak at sumabog ang kanyang sinasakyang Cessna plane sa isang bakanteng lote sa Merville Subdivision sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Sunog na sunog nang marekober ng mga awtoridad ang katawan ng biktima na kinilalang si Capt. Paulo de Castro, 28, piloto ng Frontier Air.

Ayon kay MIAA Assistant General Manager for Security and Emergency Services Angel Atutubo, dakong alas-9:45 ng umaga nang makita ng mga residente ang gegewang-gewang na Cessna plane sa ere. Ilang sandali pa at nakita na nila na pabagsak na ito.

Pinilit umano ng piloto na iikot ang eroplano matapos na makitang ang babagsakan niya ay mga kabahayan hanggang sa bumulusok nga ito at pinatama sa bakanteng lote sa Burgos Compound sa nabanggit na subdivision.

"Nawalan siya ng kontrol sa ere. Walang usok pero pagewang-gewang ang eroplano hanggang sa inikot nito patungo sa isang bakanteng lote at doon bumagsak. Sumabog po, malakas na malakas," ayon sa isang residente.

Nauna rito, nag-take off ang Cessna plane na nakatakdang tumungo sa Roxas, Palawan dakong alas-9:34 ng umaga sa Domestic Airport at dakong alas-9:37 ay tumawag ang naturang piloto sa airport base at sinabing babalik siya sa airport. Ito lang ang naitalang pakikipag-usap ng piloto hanggang sa mawalan na ng komunikasyon. Alas-9:45 nang maitala itong tuluyang bumagsak.

Sinabi ni Atutubo na magaling na piloto si de Castro at maituturing na isang bayani dahil sa pag-iwas nito sa maraming kabahayan sanhi upang walang madamay na residente.

Bagaman hinihinala na mechanical trouble ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang Air Transportation Office (ATO) hinggil sa nasabing insidente.

vuukle comment

AIR TRANSPORTATION OFFICE

ASSISTANT GENERAL MANAGER

ATUTUBO

AYON

BURGOS COMPOUND

CESSNA

DOMESTIC AIRPORT

FRONTIER AIR

MERVILLE SUBDIVISION

SECURITY AND EMERGENCY SERVICES ANGEL ATUTUBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with