^

Metro

MPD official sibak sa kotong

-
Sinibak na kahapon ng pamunuan ng Manila Police District ang deputy Chief ng General Assignment Section at isa nitong tauhan na sinasabing "nangotong" sa isang estudyante na ang bayaran ay naganap mismo sa loob ng kanilang tanggapan sa MPD-Headquarters, United Nations Ave., Ermita, Manila, kamakailan.

Iniutos ni MPD Director Sr. Supt. Danilo Abarzosa ang paglalagay sa "floating status" kay Senior Inspector Edgar Reyes at PO3 Delfin Silva matapos mapatunayang may "probable cause" ang reklamong pangongotong laban sa kanila ni Ma. Lalaine Buenaventura.

Base sa "sworn statement" ng biktimang estudyante, hiningan umano siya ni Reyes ng halagang P150,000 kapalit ng kalayaan ng kanyang boyfriend na si Cho Ka at tatlo pang Chinese national na inaresto ng mga tauhan ng MPD-Mobile Patrol Unit matapos makasira ng isang motorsiklo.

Sinabi ni Buenaventura, sa loob mismo ng MPD-GAS, nagkaroon ng bayaran na umano’y tinanggap ng tauhan ni Reyes. Isinangkalan pa umano ni Reyes ang mga mamamahayag kaya ganun kalaki ang hiningi sa kanya. Dahil sa inasal at paggamit ni Reyes sa pangalan ng media, agad itong binatikos ng mga opisyal ng Manila Police District Press Corps (MPD-PC). (Doris Franche)

CHO KA

DANILO ABARZOSA

DELFIN SILVA

DIRECTOR SR. SUPT

DORIS FRANCHE

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

LALAINE BUENAVENTURA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with