^

Metro

BJMP chief kinuwestyon ang edad

-
Lumalabas ngayon na isang taon nang dapat retirado sa serbisyo ang kasalukuyang hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos na kuwestiyunin ng isang grupo ng mga jail officers ang petsa ng kapanganakan nito sa Civil Service Commission (CSC).

Nagpalabas kahapon ng sertipikasyon si CSC Director Atty. Judith Chicano na nagbeberepika na hindi pa ipinababago ni C/Supt. Armando Llamasares ang kanyang petsa ng kapanganakan noong Pebrero 9, 1950 na siyang nakatala sa komisyon, maging sa National Census Commission, mga record sa paaralan at iba pang transaksyon nito sa gobyerno.

Nabatid na unang inihayag ni Llamasares na ipinabago na niya ang kanyang kapanganakan sa Pebrero 9, 1952 dahil sa pagkakamali kung saan nangangahulugan na magreretiro pa ito sa susunod na taon matapos na makakuha ng "appointment" buhat sa Palasyo ng Malacañang bilang hepe ng BJMP.

Kinuwestiyon naman ng isang grupo ng mga jail officers sa pangunguna ni C/Supt. Clarito Jover ang appointment ni Llamasares dahil sa isyu ng kanyang tunay na edad at kawalan ng Career Executive Service Eligibility (CESO) buhat sa CSC na requirements base sa batas para sa naturang 3rd level position sa pamahalaan. Nagpadala ng liham ang abogado ni Jover na si Atty. Danny Villanueva sa CSC na nagsa saad na "overstaying" na sa BJMP si Llamasares dahil sa petsa ng kapanganakan nito na Pebrero 9, 1950. (Danilo Garcia)

ARMANDO LLAMASARES

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAREER EXECUTIVE SERVICE ELIGIBILITY

CIVIL SERVICE COMMISSION

CLARITO JOVER

DANILO GARCIA

DANNY VILLANUEVA

DIRECTOR ATTY

LLAMASARES

PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with