^

Metro

Paslit lasog sa jeep

-
Patay ang isang 4-anyos na batang babae makaraang mabundol at magulungan ito ng isang pampasaherong jeep, kamakalawa sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si Kyla del Rosario, ng #41 Asuzena Street ng nabanggit na lungsod. Kusang-loob namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng jeep na nakilalang si John Phillip Armario, 23 , ng #172 M. Hizon Street, Daang Bakal, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodelio Asuncion, ng Caloocan City Traffic Enforcement Unit (CCTEU), naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa kahabaan ng Camatigue Street pagitan ng 10th at 11th Avenue ng nasabing lungsod.

Nabatid na kasalukuyang naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang itong mabundol ng minamanehong sasakyan ni Armario na may plakang NWP-764. Dahil sa lakas ng pagkakabundol ay tumilapon ang katawan ng paslit at disgrasyang nagulungan pa ang katawan nito ng sasakyan ni Armario dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARMARIO

ASUZENA STREET

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

CAMATIGUE STREET

DAANG BAKAL

HIZON STREET

JOHN PHILLIP ARMARIO

LORDETH BONILLA

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with