^

Metro

Drug den sa Taguig sinalakay; 3 tiklo

-
Tatlo katao kabilang ang isang babae ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Unit-Foxtrot nang lusubin ng mga ito ang isang drug den, kahapon ng umaga sa Taguig.

Kinilala ni PDEA Senior Undersecretary Dionisio Santiago ang mga naaresto na sina Roberto Pagulayan, 45, Belinda Pagulayan, 42; at Jeffrey Ryan Pagulayan, 20, pawang mga residente ng 21 D.P. Mariano St., Usasan, Taguig, City.

Ayon kay Santiago, nilusob ng kanyang mga tauhan ang lugar batay sa search warrant na inilabas ni Manila Regional Trial Court Branch 33 Executive Judge Reynaldo Ros.

Nasamsam sa naturang raid ang 7 gramo ng shabu, 2 kilo ng high grade marijuana dried leaves, 4 na revolver, iba’t ibang bala at mga drug paraphernalia.

Hindi na nakaalma pa ang mga suspect nang arestuhin ng mga tauhan ng PDEA.

Sa kasalukuyan, ang mga suspect ay nasa pangangalaga ng PDEA at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 at 12 ng Republic Act 9165 at paglabag sa Presidential Degree 1866 o illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Omnibus Election Code. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BELINDA PAGULAYAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDWIN BALASA

EXECUTIVE JUDGE REYNALDO ROS

JEFFREY RYAN PAGULAYAN

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MARIANO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with