^

Metro

7 sports complex sa Maynila todo-bantay

-
Magpapakalat ng sapat na tauhan ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa pitong sports complex sa lungsod ngayong araw na ito (Abril 15) upang siguruhin ang kaligtasan ng libu-libong Manilenyo na inaasahang dadagsa sa nasabing lugar upang manood ng pinakaaantabayanang sagupaan nina People’s Champ Manny "Pacman" Pacquiao at Mexican boxer Jorge Solis sa San Antonio, Texas, USA.

Ayon kay MPD Director Senior Supt. Danilo Abarzosa, sapat ang bilang ng mga pulis na kanilang ipakakalat sa mga sports complex para matiyak na hindi mahahaluan ng anumang karahasan ang event.

Madaling-araw pa lamang ay ipadadala na ang mga pulis upang magbantay sa mga sports complex kung saan nakaugalian nang ipalabas sa lungsod ng Maynila ang laban ni Pacquiao upang mapanood ng mga Manilenyo. Magtatalaga rin ng mga K-9 units at mga miyembro ng MPD bomb squad sa mga lugar.

Inaasahang magtatayo ng mga naglalakihang wide screen sa mga sports complex ang Manila City government upang libreng mapanood ng mga residente ang laban ng ‘adopted son’ ng lungsod.

Kabilang sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga Manilenyo na nais makapanood ng pinakahihintay na laban ni Pacquiao ay ang Delpan Sports Complex sa Tondo; Dapitan Sports Complex sa Sampaloc; San Andres Sports Complex sa San Andres; Rizal Baseball Stadium sa Malate; Ninoy Aquino Stadium sa Malate; Malikhain Centro ng Manilenyo sa Tondo at ang Tondo Sports complex.

Ang lungsod ng Maynila ang nag-aruga sa boksingero bago pa man ito naging tanyag sa larangan ng boxing at mag-uwi ng sunud-sunod na karangalan sa bansa. (Doris Franche)

vuukle comment

CHAMP MANNY

COMPLEX

DANILO ABARZOSA

MANILENYO

PACQUIAO

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with