^

Metro

Shootout: Holdaper todas

-
Patay ang isang hinihinalang holdaper nang ratratin ng bala ang katawan nito ng mga nakasagupang miyembro ng Manila Police District (MPD) matapos na nanlaban sa Sta Cruz, Maynila kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang di pa nakilalang suspect na inilarawan na nasa edad na 25-30, semi kalbo, may tattoo sa katawan at nakasuot ng maong short, matapos na magtamo ng tama ng bala sa katawan, habang tinutugis naman ang kasamahan nito na armado ng kalibre .45 na nakatakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni Det. Virgo Villareal ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-12:20 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Rizal Ave at Pampanga St. Sta Cruz, Manila.

Nauna dito, dumulog sa tanggapan ng MPD-Police Community Precinct (PCP) Blumentritt si Eduardo Remitar, 28, ng 28 Palanca St., Quiapo matapos na siya ay holdapin ng dalawang di nakikilalang suspect habang naglalakad siya sa Pampanga St.

Ayon kay Remitar, tinangay ng mga suspect ang kanyang cellphone, silver necklace, hikaw at cash.

Gamit ang kanilang motorsiklo, umangkas si Remitar kina PO3 Jeffrey Delos Reyes; PO2’s Herbert Salazar, John Simon Baltazar at Roberto De Leon, pawang nakalataga sa MPD-Station 3 upang tugisin ang mga suspect at pagsapit sa naturang lugar nang namataan ni Remitar na naglalakad pa ang mga suspect.

Subalit bago pa man nakalapit ang mga pulis ay agad na nagpaputok ang mga suspect na nagbunsod upang gumanti ng putok ang mga pulis at nagresulta sa pagkakabaril sa isa sa mga suspect. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

EDUARDO REMITAR

HERBERT SALAZAR

JEFFREY DELOS REYES

JOHN SIMON BALTAZAR

MANILA POLICE DISTRICT

REMITAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with