Negosyanteng Tsinoy dinukot sa Caloocan
April 15, 2007 | 12:00am
Isang negosyanteng Tsinoy at may-ari ng isang hotel ang kinidnap ng pitong armadong kalalakihan habang ang una ay papasok sa kanyang tanggapan sa pag-aari nitong Marksman Hotel, kamakalawa ng hapon sa lungsod Caloocan.
Sa report na natanggap ng Sub-Station 2 ng Caloocan City Police, nakilala ang biktimang si Wilson Lim, 45, may-ari ng Marksman Hotel sa panulukan ng 2nd Avenue at Rizal Avenue Ext., Grace Park ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng hapon nang sapilitang tangayin ang biktima habang sakay ito ng kanyang kotse papasok ng naturang hotel. Nabatid na sakay ang mga di-nakilalang suspect sa isang Mitsubishi Adventure na walang plaka nang harangin ang sasakyan ng biktima. Dito, agad na tinutukan ng baril ang biktima at sapilitang pinababa at inilipat sa kanilang sasakyan bago mabilis na pinasibad patakas sa di-nabatid na direksiyon.
Sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad habang hinihintay ang pakikipag-ugnayan ng pamilya ng biktima.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest