^

Metro

Hepe ng BJMP kinasuhan sa Ombudsman

-
Sinampahan kahapon ng patung-patong na kaso kabilang na ang graft and corruption sa Office of the Ombudsman ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos na dayain umano nito ang kanyang edad upang makuha ang posisyon bilang hepe ng ahensya.

Bukod sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, kinasuhan rin ng usurpation of official functions and authority at procuring and illegal appointment si C/Supt. Armando Llamasares, acting director ng BJMP.

Sa pitong pahinang complaint affidavit na isinampa ni C/Supt. Clarito Jover, iginiit nito na lumabag sa naturang mga batas si Llamasares dahil sa pagdaya sa kanyang edad kung saan nararapat na retirado na umano ito noong nakaraan pang taon, kawalan ng CESO eligibility (career executive service officer) at pamemeke umano ng mga dokumento.

Iginiit ni Jover na dapat ay retirado na si Llamasares nitong Pebrero 2006 sa edad na 56 dahil sa nakalagay sa birth certificate nito ay ipinanganak ito ng taong 1950. Nangangahulugan na hindi na umano ito maaaring maging hepe ng BJMP tulad ng ipinapatupad sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inihayag rin nito na walang CESO eligibility si Llamasares na isa sa pangunahing requirements para sa posisyon ng chief BJMP base sa Civil Service Resolution no. 04-0915 para sa BJMP.

Pinasinungalingan rin nito ang sinabi ni Llamasares na dumaan siya sa masusing evaluation ng search committee ng Office of the President kaya naibigay sa kanya ang appointment bilang hepe ng BJMP. (Danilo Garcia at Rose Tamayo-Tesoro)

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ARMANDO LLAMASARES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CIVIL SERVICE RESOLUTION

CLARITO JOVER

DANILO GARCIA

LLAMASARES

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OFFICE OF THE PRESIDENT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with