^

Metro

`Carjacking sa QC patuloy ang pagtaas

- Danilo Garcia -
Patuloy na tumataas ang insidente ng carjacking sa lungsod ng Quezon matapos na makapagtala ng 12 mga luxury cars na tinangay ng mga sindikato sa loob lamang ng 12 araw sa kabila na paglalagay sa Philippine National Police sa heightened alert status.

Ayon kay Quezon City Police District Director, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, ito’y sa kabila sa ipinapatupad nilang mahigpit na pagbabantay sa lungsod kabilang ang paglalagay ng mga checkpoints sa iba’t ibang lugar sa loob ng 24 na oras at pagpapatupad ng gun ban.

Sinabi ni Gatdula, na magaling umanong magtago ng baril ang mga kriminal at nalulusutan ang kanyang mga tauhan. Sa kabila nito, iginiit nito na may mga pangalan na sila ng mga miyembro ng sindikato at nagsasagawa ng manhunt operation upang madakip ang mga ito.

Maaaring kabilang umano dito ang mga dati na nilang naarestong mga carjacker na nakalaya matapos na makapagpiyansa. Patuloy na hinahanap nila ngayon ang naturang mga suspek upang isailalim sa imbestigasyon.

Nitong nakaraang Miyerkules, isang 1999 Toyota Prado na minamaneho ni Jeffrey Mendoza ang tinangay ng mga carjacker sa Katipunan Avenue. Bago ito, isa namang Honda Civic na nakaparada sa tapat ng isang gusali sa Congressional Avenue ang tinangay rin ng mga karnaper.

Bukod dito, patuloy pa rin naman na nananalasa ang mga holdaper na nakasakay ng motorsiklo kung saan pinakahuling biktima ang Korean national na si Seo Chang Jun at kasama nitong babae na si Ginalyn Lim sa Quezon Avenue na pinagbabaril ng apat na suspek matapos na tumangging ibigay ang bag na naglalaman ng higit sa P900,000 salapi.

Nagdulot naman ito ng pagkaalarma kay PNP Chief, Director General Oscar Calderon na humingi ng paliwanag kay Gatdula. Sinabi ni Gatdula na nagkausap na sila ni Calderon at kumbinsido naman ito sa mga nakalatag niyang plano upang sugpuin ang mga carjacker sa lungsod.

CONGRESSIONAL AVENUE

DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

GATDULA

GINALYN LIM

HONDA CIVIC

JEFFREY MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with