^

Metro

Tsinoy todas sa ‘Motorsiklo Gang’

- Danilo Garcia -
Muli na namang sumalakay ang notoryus na "Motorsiklo Gang" kung saan pinagbabaril hanggang mapatay ang isang Tsinoy na nakamotorsiklo nang manlaban ito kahapon ng hapon sa EDSA, Quezon City.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na si Jimmy Tan, nasa pagitan ng edad na 35-40 anyos, at residente ng Ma. Clara St. cor. 10th Avenue, Gracepark, Caloocan City.

Agad namang nakatakas ang dalawang suspek na armado ng isang kalibre 9mm pistol at magka-angkas sa isang Enduro type na motorsiklo. Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa kahabaan ng EDSA, Balintawak.

Ayon sa saksing si Joel Quina, enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakita niyang hinarang ng mga suspek ang biktima sa kalsada at hinablot ang dala nitong knapsack na bag.

Pumalag naman ang biktima kaya limang beses na pinaputukan ito ng isa sa mga holdaper. Nagtamo si Tan ng tama ng bala ng baril sa kanang balikat, kaliwang kili-kili at kaliwang tagiliran ng katawan sanhi ng kanyang kamatayan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek dala ang bag ng biktima sakay ng itim na motorsiklong Kawasaki na may plakang TM-5846).

AYON

CALOOCAN CITY

CLARA ST.

JIMMY TAN

JOEL QUINA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MOTORSIKLO GANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with