^

Metro

Borgy Manotoc sabit uli sa bugbugan

-
Nahaharap na naman ngayon sa panibagong gulo ang anak ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos-Manotoc na si Borgy Manotoc na isang commercial model makaraang kuyugin at bugbugin umano ng kanyang mga bodyguard ang apo ni ex-DSWD (Dept. of Social Work and Development) Secretary Mita Pardo de Tavera, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Batay sa ulat ng Taguig City Police, kasalukuyan pa ring ginagamot sa Makati Medical Center ang biktimang si Carlo Brown, 21, ng Dasmariñas Village, Makati City dahil sa tinamo nitong mga sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid pa na nakaligtas naman sa kamay ng mga bodyguard ni Manotoc ang kaibigan ni Brown na nakilala lamang sa alyas na "Aaron" nang makatakbo ito sa gitna ng umaatikabong kaguluhan.

Ayon pa rin sa ulat, nangyari ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa parking lot ng Embassy Bar and Cafeteria sa The Fort, Global City.

Pumasok umano sa naturang cafeteria si Borgy kasama ang hindi nakikilalang babae na umano’y kasintahan nito at lima pang bodyguards habang nasa isang hiwalay namang mesa sina Brown at Aaron.

Nagalit umano si Borgy nang lapitan at kausapin ni Brown ang babaeng kasama nito kaya’t pinagsabihan ang biktima na huwag kausapin ang kanyang girlfriend. Dito na umano nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa sundan ng mga bodyguard ni Borgy ang biktima sa parking lot at doon sinimulang bugbugin.

Agad namang tumakas ang mga bodyguard ni Borgy kung saan kinilala ang isa sa mga ito sa pangalang "DJ Malaya" makaraan ang ginawang pambubugbog kay Brown. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BORGY

BORGY MANOTOC

CARLO BROWN

EMBASSY BAR AND CAFETERIA

GLOBAL CITY

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS-MANOTOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with