DILG Usec Corpuz kinasuhan ng contempt
April 11, 2007 | 12:00am
Posibleng maharap sa anim na buwang pagkakulong si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Marius Corpuz matapos na sampahan ito ng kasong "contempt of court" sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa umano’y iligal na pagtatalaga nito ng hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Bukod kay Corpuz, kasama rin na sinampahan ng kaso ni C/Supt. Clarito Jover ang kasalukuyang OIC (officer-in charge) ng BJMP sina BJMP Deputy for Administration, C/Supt. Armando Llamasares.
Sa pitong pahinang complaint affidavit, sinabi ni Jover na nagbunsod ang kaso sa pagpapalabas ni Corpuz ng isang "memorandum" nitong Abril 3 na nagtatalaga kay Llamasares bilang hepe ng BJMP sa kabila na dinidinig pa ang kaso sa legalidad ng pagkakaupo nito sa Quezon City Regional Trial Court Branch 220 sa ilalim ni Judge Jose Paneda.
Base sa rekord, itinalaga si Jover bilang OIC ng BJMP nitong nakaraang Pebrero base sa rekomendasyon ni DILG Secretary Ronaldo Puno dahil sa pagkakaroon nito ng CESO (career executive service officer) eligibility.
Umapela naman sa Malacañang si Llamasares kung saan nakakuha ito ng magandang tugon at inatasan ang DILG na ito ang iupo bilang hepe ng BJMP. Dito na nagsampa ng kaso sa Quezon City RTC si Jover dahil sa kawalan ng CESO requirements ni Llamasares na naging dahilan ng pagpapalabas ng TRO (temporary restraining order) sa magkabilang kampo na nagbabawal sa kanila na umupo sa naturang posisyon.
Nagsampa naman ng apela sa Court of Appeals ang kampo ni Llamasares dahil sa isyu ng venue kung saan hinihiling nito na sa Malolos, Bulacan RTC isagawa ang paglilitis. Nagpalabas naman ng TRO ang CA ukol lamang sa kuwestiyon kung tama ba na sa Quezon City dinggin ang kaso. Dito na nagpalabas ng memorandum si Corpuz na nagtatalaga kay Llamasares na director ng BJMP.
Idinagdag pa ng kampo ni Jover na walang kapangyarihan si Corpuz na magtalaga ng director ng BJMP kung saan tanging si Secretary Puno ang may naturang kapangyarihan.
Sinabi naman ni Corpuz na karapatan ni Jover na magsampa ng kaso ngunit iginiit nito na sinusundan lamang niya ang legal na proseso dahil sa pagpapalabas ng TRO ng Court of Appeals na siyang dapat sundin dahil sa mas mataas ito sa Quezon City RTC. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest