^

Metro

Holdaper patay sa shootout

-
Patay ang isa sa dalawang holdaper matapos silang makipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang follow-up operations matapos holdapin ng mga ito ang isang empleyado ng ABS-CBN kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang kinilala lamang sa alyas na Pingas, habang patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang isa pang kasamahan nito na si alyas Baboy.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Det. Jaime Gonzales, naganap ang insidente sa kahabaan ng R-10 Highway malapit sa panulukan ng Moriones St., Tondo bandang alas-5:15 ng madaling-araw.

Tinutukan umano ng patalim ng mga suspek ang biktimang si Mari Joanna Carla Ramano, 35, employee ng ABS-CBN at mabilis na kinuha ang bag nito na naglalaman ng hindi pa mabatid na cash, cellphone at iba pang kagamitan.

Dakong alas-5:30 ng umaga nang maispatan ng mga awtoridad ang mga suspek sa kahabaan ng Guyabano St. Tondo habang nagsasagawa ng follow up operation ang mga operatiba ng MPD-Station 1 sa pangunguna ni Senior Inspector Jackson Tuliao.

Mabilis naman na inilabas ng suspek ang kanyang cal. 38 paltik at walang sabi-sabing pinaputukan ang mga awtoridad at saka nagtago sa kanyang tirahan sa nabanggit na lugar dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis at minalas na matamaan si Pingas. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

GEMMA AMARGO-GARCIA

GUYABANO ST. TONDO

JAIME GONZALES

MANILA POLICE DISTRICT

MARI JOANNA CARLA RAMANO

MORIONES ST.

PINGAS

SENIOR INSPECTOR JACKSON TULIAO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with