^

Metro

Tumanggi sa tagay, sinaksak

-
Makaraang tumanggi sa tagay ng alak, isang obrero ang sinaksak ng isang lalaki na nag-alok sa kanya kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Malubhang nasugatan at nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktima na nakilalang si Rey Herman, may sapat na gulang, ng Barangay Catmon, ng nabanggit na lungsod, at nagtamo ito ng saksak sa katawan buhat sa isang patalim.

Tumakas naman agad ang suspek na si Gilbert Aurelio, 45, ng 242 Hernandez St., ng nabanggit na barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon na, nang mapadaan si Herman sa nag-iinumang grupong kinabibilangan ni Aurelio sa Dulong Hernandez St., tinawag siya ng huli at inalok ng alak. Tumanggi ang biktima kaya nagalit ang suspek at sinaksak ang una. (Lordeth Bonilla)

AURELIO

BARANGAY CATMON

DULONG HERNANDEZ ST.

GILBERT AURELIO

HERNANDEZ ST.

LORDETH BONILLA

LUMALABAS

MALABON CITY

REY HERMAN

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with