^

Metro

Jobless na binata nagwala, tinaga sa dibdib

-
Patay ang isang 21 anyos na binata makaraang tagain ito ng may-ari ng tindahan na kanyang pinag-inuman kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Mandaluyong.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Edwin Macaubos, walang trabaho, ng Welfareville Compound, Addition Hills ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang tumakas ang suspek na si Dominador Ybanez, 40, may-asawa, may-ari ng tindahan sa 52 Samaka St. ng nasabi ring lugar.

Nakikipag-inuman umano si Macaubos kay Ybañez at dalawa pa nilang kaibigan sa harap ng tindahan ng suspek nang malasing ang biktima, tumuntong sa ibabaw ng mesa, at kumuha ng bote ng beer sa bintana saka binasag sa harapan ng mga kainuman.

Nagkaroon ng sagutan ang biktima at ang suspek ngunit naagapan ng iba pang kasamahan na lumala ang away at pinauwi na ang biktima.

Subalit pagkalipas ng isang oras ay bumalik ang biktima sa nasabing tindahan dahilan para labasin siya ng suspek at hawak ang jungle bolo ay tinaga ito at tinamaan sa dibdib. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ADDITION HILLS

DOMINADOR YBANEZ

EDWIN BALASA

EDWIN MACAUBOS

KAAGAD

KINILALA

MACAUBOS

MANDALUYONG

SAMAKA ST.

WELFAREVILLE COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with