^

Metro

Police Prober sabit sa kotong?

-
Isang opisyal ng Manila Police District ang kasalukuyang pinaiimbestigahan ng pamunuan ng MPD dahil sa umano’y pangingikil niya sa isang estudyante kapalit ng paglaya ng nobyo nitong dayuhan na nakapiit sa himpilan ng pulisya sa United Nations Avenue, Manila.

Isang residente ng JKK Pacific Power sa Malate, Manila na si Ma. Lalaine Buenaventura, 23, ang nagreklamo na kinikilan umano siya noong Abril 2 ng P150,000 ng hepe ng investigation division ng MPD na si Senior Inspector Edgar Reyes.

Kapalit umano ng naturang halaga ang paglaya ng nobyo ni Buenaventura na si Cho Ka at tatlong kasama nitong dayuhan.

Nakulong ang mga dayuhan dahil sa isang scooter na nasagi ni Cho Ka habang naglalakad makaraang lumabas sa isang KTV bar sa Malate.

Ayon kay Buenaventura, kahit kasama niya ang ama niyang retiradong pulis na si dating SPO4 Leopoldo Buenaventura ay sinabihan umano siya ni Reyes na maaayos ang kaso ni Cho Ka kung maghahanda sila ng P200,000.

Binastos din umano ang kanyang ama dahil ayaw maniwala ni Reyes na dati itong pulis sa Maynila.

Ang nabanggit namang halaga ay para umano sa pagpapaayos ng nasirang scooter at hindi ma-deport ang dayuhan. Tumawad pa si Buenaventura pero isinagot ni Reyes na magbibigay pa ito ng parte sa media, SWAT at Mobile ng MPD.

Kaugnay nito, inutos ni MPD-District Intelligence and Investigation Division Chief S/Supt. Edgar Danao ang pagsisiyasat sa reklamo ni Buenaventura laban kay Reyes. (Ludy Bermudo)

BUENAVENTURA

CHO KA

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION CHIEF S

EDGAR DANAO

ISANG

LALAINE BUENAVENTURA

LEOPOLDO BUENAVENTURA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with