Mga politiko sa Maynila, pahinga sa kampanya
April 4, 2007 | 12:00am
Pansamantala munang mamamahinga sa pangangampanya ang ilang mga pulitiko sa Maynila bilang tugon sa panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na mangilin muna sila ngayong panahon ng semana santa.
Sinabi ni Manila Mayor Lito Atienza, na sagrado ang araw ng Semana Santa kaya’t kailangan itong igalang at panahon na rin upang manalangin at magtika . Maging ang buong kandidato ng Buhayin ang Maynila ticket sa pangunguna ni Ali Atienza at Don Bagatsing ay susundin ang panawagan ng CBCP.
Nagpahayag din ng paniniwala si Atienza na ang ibang kandidato sa Maynila ay igagalang ang paggunita sa Mahal na Araw at hindi rin mangangampanya. Maging si Vice Mayor Danilo Lacuna na tumatakbong Alkalde sa lungsod ay nagpahayag na magpapahinga muna sa pangangampanya upang makapagnilay-nilay ngayong Mahal na Araw. (Gemma Amargo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest