^

Metro

Yaya arestado sa pagdukot sa alaga

-
Isang 53-anyos na lolang yaya ang inaresto ng pulisya matapos nitong dukutin at ipatubos ang isang anim-na-buwang sanggol na lalake, na inaalagaan nito kapalit ng kanyang suweldo, kamakalawa sa Caloocan City.

Nadakip sa isang entrapment operation ang suspect na si Cristina Victoria, nakatira sa Phase 1, Package 4, Block 68, Lot 1, Bagong Silang, ng lungsod na ito at sinampahan ito ng kasong abduction in relation to violation of Republic Act 7610, Anti-Child Abuse Law

Na-rescue naman ng pulisya ang biktimang si Jhon Andrei delos Santos, at iniuwi na ito ng kanyang tiyahing si Marinel delos Santos sa bahay nito sa 0650 Purok 4, San Isidro, Zambales.

Batay sa ulat ng Women and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan-PNP, dinukot ng suspect ang biktima noong Marso 22 ng taong kasalukuyan, sa bahay nito sa naturang lugar.

Sa salaysay ng tiyahin ng biktima, naging katulong nila sa bahay ang suspect noong Setyembre 2006 at nitong Enero ay naging yaya si Victoria ni Andrei matapos na magtungo sa Hongkong ang ina ng sanggol.

Ayon pa sa tiyahin ng biktima, nitong Marso 22, 2007, nang magtungo siya sa bahay ng kanyang pamangkin kasama ang katulong at nagulat na lamang siya nang wala doon ang sanggol at ang suspect. Makalipas ang labing-isang araw, nakatanggap ng text message si Marinel mula sa suspect, na nagsasabing hawak niya ang sanggol at isasauli lamang niya ito kapag ibinigay na ang kanyang sahod.

Ikinatwiran ni Delos Santos sa suspect, na hinihintay lamang nila ang padala ng ina ng biktima upang maibigay na ang sahod nito subalit nagmatigas pa rin ang katulong kaya’t napilitan nang manghingi ng tulong sa mga awtoridad ang tiyahin ng sanggol

Sa isinagawang entrapment operation sa Sto. Niño Church, Bagong Silang, Caloocan City ay naaresto ang suspect habang ligtas namang nabawi ang sanggol dakong alas-5 ng hapon. (Lordeth Bonilla)

ANTI-CHILD ABUSE LAW

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CONCERNED DESK

CRISTINA VICTORIA

DELOS SANTOS

JHON ANDREI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with