Lider ng Waray kidnap group timbog
April 4, 2007 | 12:00am
Natimbog ng pulisya ang isa sa umano’y lider ng kilabot na Waray-Waray Kidnap for Ransom Group (KFR) matapos itong matunton sa kanyang pinagtataguang bahay kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Kinilala ang nadakip na suspect na si Isidro Inosanto Jr., tubong Leyte. Ito ay naaresto sa kanyang pinagtataguang bahay sa No. 6, Jocson St., Meralco Line, Quezon City.
Ang suspect ay may patong na P250,000 sa ikaaaresto nito dahil sa dami ng kinasasangkutang kaso ng kidnapping sa Metro Manila at karatig-lalawigan nito.
Ayon kay Chief Supt. Romeo Ricardo, director ng Intelligence Group ng Philippine National Police (PNP), naaresto ang suspect dakong alas- 3 ng hapon sa #6 Jocson St., Meralco Line. Si Inosanto ay inaresto base sa bisa ng warrant of Arrest na ipinalabas ni Imus Cavite Regional Trial Court Branch 21 Executive Judge Norberto J. Quisumbing.
Hindi na nakapalag ang suspect nang paligiran ng pulisya ang kanyang pinagtataguang bahay kaya malumanay na lang itong sumama sa mga awtoridad.
Napag-alaman na si Inosanto, kasama ang ilang miyembro ng KFR ay responsable sa mga kidnapping case sa Metro Manila at ibang karatig-lalawigan.
Sa kasalukuyan, ang suspect ay nakakulong sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest