Babae inaresto sa Rabaya slay
April 4, 2007 | 12:00am
Hawak na ng mga tauhan ng pulisya ang isang babaeng sinasabing may kinalaman sa kasong pagpaslang kay Quezon province congressional candidate Vicente Rabaya Jr.
Ayon kay Supt. Frank Mabanag, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD) na ang babaeng pansamantalang hindi ibinigay ang pangalan ay sinasabing "accessory to the crime" ay pinick-up sa Atimonan sa Quezon kahapon ng umaga.
"Mahalaga siya sa ikalulutas ng kaso, ito yung babae na sana ay katagpo ni Rabaya sa Ali Mall nung oras na yun na pinasok siya ng dalawang lalake at tinutukan para dalhin sa isang lugar upang patayin nung makumpirmang siya nga yung kandidatong kongresista na si Butch Rabaya," pahayag ni Mabanag.
Binanggit pa nito na ang isa nilang team buhat sa QCPD-CIDU sa ilalim ni police Senior Inspector Ingco ay kasalukuyang nasa Camp Nakar para isailalim sa interogasyon ang naturang babae.
Sa isinagawang Talakayan sa Isyu ng Pulis (TSIP), weekly forum na iniisponsoran ng PNP sinabi ni Mabanag na ang naturang babae ay maaaring nagbigay ng impormasyon sa mga killer patungkol sa kung nasaan si Rabaya at kung anong sasakyan ang sinasakyan nito bago ito matagpuang patay noong Sabado ng madaling-araw sa Quezon City.
Nagtamo si Rabaya ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo at katawan sa loob ng kanyang nirentahang Toyota Fortuner na natagpuang naka-park sa may Katipunan Avenue sa Quezon City. Posible umanong hindi sa pinagtagpuang lugar pinatay si Rabaya o may 33.3 kilometer distance buhat sa Ali Mall na dito ito kinuha ng mga suspect.
Sa pagkaaresto sa babae, naniniwala ang pulisya na malulutas na sa lalong madaling panahon ang kaso bagamat wala pa ring tiyak na anggulo kung ano ang motibo sa pagpaslang. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest