Imbakan ng mga bala at pampasabog nadiskubre
April 3, 2007 | 12:00am
Isang imbakan ng daan-daang bala ng malalakas na kalibre ng baril at mga pampasabog ang nadiskubre sa isang abandonadong kuwarto ng isang townhouse na hinihinalang posibleng gamitin ngayong eleksyon, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ayon kay Supt. Gerardo Ratuita hepe ng Quezon City Police District Station 3 Talipapa, dakong alas-7:35 ng gabi nang madiskubre ang mga bala at pampasabog sa ikalawa at ikatlong palapag ng Unit B, Feliz 1 Townhouses sa Sampaguita Ave., Mapayapa Village, Bgy. Pasong Tamo, Tandang Sora.
Nakuha dito ang daan-daang bala ng M-16 armalite rifle, M2 rifle, 9mm. pistol , cal. 22 pistol at anim na piraso ng amunisyon ng M-79 granade launcher, 10 kahon na naglalaman ng iba’t ibang dokumento ukol sa mga baril.
Nabatid kay Ratuita na nag-aayos ng signboard ang isa sa empleyado na si Joselito Varela ng Unit B, Feliz 1, Sampaguita Avenue, Mapayapa Village, Bgy. Pasong Tamo na umuupa sa ground floor ng townhouse para sa kanilang karatula ng negosyong mineral water nang madiskubre sa ikalawa at ikatlong palapag ang mga bala at pampasabog.
Nabatid naman na matagal nang walang umuupa sa ikalawa at ikatlong palapag ng townhouse matapos na abandonahin ng dating naninirahan dito.
Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng QCPD upang makilala ang dating nangungupahan sa naturang townhouse upang mabatid kung may kaugnayan sa darating na eleksyon ang mga nasamsam na mga bala at pampasabog o kaya naman ay pag-aari ng isang grupo ng sindikato. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest