Drug lord nagtangkang pumuslit sa airport, timbog
April 3, 2007 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga alertong ahente ng Bureau of Immigration (BI) na naka base sa Ninoy Aquino International Aiprort (NAIA) ang isang hinihinalang big-time drug lord na nasa watchlist matapos na magtangkang pumuslit patungong Taipei kahapon ng umaga.
Agad na dinakma ng mga Immigration officer si Hsu Hung Hui, 49, nang makarating ito sa boarding Gate 3 ng paliparan at pasakay na sa eroplano.
Nabatid na paalis na patungong Taipei sakay sana ng China Airlines flight CI-632 dakong alas-11:30 ng umaga ang nasabing dayuhang hinihinalang drug lord para makaiwas sa anumang paglilitis sa mga kasong kinasasangkutan nito sa droga nang masita sa random check.
Su Hsu ay nakapasok na umano sa immigration counter at natatakan na ang kanyang pasaporte nang muling makita na siya ay nasa listahan ng mga dayuhang may mga kaso at binabantayan upang hindi makalabas sa bansa. Simula nitong Pebrero 21, 2007 ang pangalan ni Hsu ay inilagay na sa BI watchlist base sa ipinadalang kahilingan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sinabi ni Julius Cortes, supervisor ng immgration departure area na si Hsu ay itinuturong operator ng isang drug laboratory at matagal nang pinaghahanap dahil sa ilegal nitong gawain. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended