Gun ban pinaigting ngayong Semana Santa
April 3, 2007 | 12:00am
Mas pinaigting ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad sa buong Metro Manila partikular na ang pagpapatupad ng gun ban ngayong panahon ng Semana Santa dahil sa inaasahang paglisan ng milyong residente sa kanilang bahay upang magbakasyon.
Pinulong kahapon ni NCRPO chief, Deputy Director General Reynaldo Varilla ang mga district directors para sa preparasyon sa Semana Santa.
Kabilang sa pagpupulong ang paglalagay sa heightened alert status ang may 15,000 puwersa ng NCRPO para sa "Oplan Semana Santa" at pagpapaigting ng gun ban na ipinag-utos ni PNP Chief, Oscar Calderon matapos ang sunud-sunod na political killings kaugnay ng darating na eleksyon.
Nagdagdag na rin ng tauhan ang pulisya para sa mga checkpoints, mobile at foot patrols sa mga malalaking subdibisyon, mga shopping malls at mga simbahan.
Inatasan rin ni Varilla ang mga district directors na paigtingin ang seguridad sa mga bus terminals na kanilang nasasakupan laban sa mga holdaper, snatchers at mga mandurukot.
Makikipag-ugnayan naman ang pulisya sa mga opisyales ng barangay at mga security agency ng mga subdibisyon upang matiyak ang pagbabantay sa mga bakanteng mga bahay.
Maglalagay rin ang NCRPO ng mga police assistance desks sa mga bus terminals sa Cubao, Quezon City; Pasay City at sa Maynila upang mahingan ng tulong ng mga commuter. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended