^

Metro

Buntis nagtangkang magpakamatay

-
Matapos na iwan ng kanyang mister, isang ginang na anim na buwang buntis ang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon buhat sa bubungan ng kanyang dalawang palapag na bahay ngunit maagap na nailigtas ng mga rumespondeng bumbero, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ni C/Insp. Juan Reyes, Caloocan City Fire Marshal, ang biktima na si Leonila Rebeato, 30, ng Samson Road corner Masagana Street, Barangay 73 ng nabanggit na lungsod.

Nasa ligtas na itong kalagayan at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan dahil sa patuloy na trauma at emotional breakdown. Pinayuhan naman ito ng mga manggagamot na kumalma upang hindi maapektuhan ang sanggol na dinadala nito sa sinapupunan.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa bahay ng biktima sa naturang lugar. Unang nakatanggap ng tawag buhat sa isang kapitbahay ni Rebeato ang BFP at iniulat ang pag-akyat ng ginang sa bubungan ng kanyang bahay habang nag-iiyak.

Pinababa na ng kanyang mga kapitbahay si Rebeato ngunit hindi ito nakikinig at nagbabala na tatalon kaya nagpasya nang humingi ng saklolo sa mga awtoridad ang mga kapitbahay.

Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng BFP at inabutan ang ginang na sumisigaw at umiiyak habang tangkang tatalon mula sa ikalawang palapag ng bahay.

Mabilis namang nagdesisyon si Reyes at ang mga tauhan nito na agad na umakyat sa bubong ng bahay na nagresulta sa pagkakaligtas sa buntis na ginang sa tiyak na kapahamakan.

Nabatid sa imbestigasyon na nagtangkang magpakamatay ng ginang matapos na iwanan ito ng kanyang mister upang maki sama umano sa ibang babae sa kabila ng pagiging buntis nito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY FIRE MARSHAL

DANILO GARCIA

JUAN REYES

LEONILA REBEATO

MABILIS

REBEATO

SAMSON ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with