2 lasing nag "Rambo" ikinulong

Bilangguan ang kinahantungan ng isang lasing na magkapatid na nag-ala-‘Rambo’ at walang habas na nagpaputok ng baril kahapon ng madaling-araw sa Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina PO1 Ronald Beran, 28, ng Malabon City Police at kapatid nitong security guard na si Roberto Beran Jr., 29, kapwa residente ng 3181 Block 2, Lot 72, Sawata, Area 2, ng nasabing lungsod.

Ayon kay PO1 Ronwaldo Bermudez, ng Caloocan City Police, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa walang habas na pagpapaputok ng mga suspect sa Sawata.

Agad na rumisponde ang mobile patrol ng Caloocan City Police at naabutan ng mga ito ang mga suspect na lasing na naglalakad at ala-Rambo na walang habas na pagpapaputok ng .9mm caliber pistol at kalibre .22 na baril. (Lordeth Bonilla)

Show comments