Carjackers muling sumalakay sa QC
March 31, 2007 | 12:00am
Muli na namang sumalakay ang matagal nang problema ng Quezon City Police District na mga kilabot na "carjackers" matapos na tangayin ang isang Honda CRV van ng isang negosyante kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.
Nabatid na tinangay ng mga hindi nakilalang suspect ang puting Honda CRV (VRM-507) ng biktimang si Vincent Patrick Lawrence Llamas, ng Sunville Subdivision, Culiat, Quezon City.
Sinabi ng biktima na naganap ang pagharang sa kanya ng mga suspect dakong alas-11 ng gabi sa kahabaan ng Visayas Avenue, Quezon City.
Bigla umanong nag-cut ang isang maroon na Toyota Innova sa kanyang harapan at bumaba ang isa sa mga suspect na armado ng isang baril. Inutusan siyang bumaba sa kanyang sasakyan at ito ang pumalit sa driver’s seat saka mabilis na pinasibad ang van.
Una nang sinalakay ng hinihinalang parehong grupo ng mga carjacker nitong nakaraang Huwebes ng umaga ang negosyanteng si Jason Concepcion nang tangayin ang dala niyang Nissan X-trail (ZFK-615) habang nakaparada siya sa may Banawe street, Quezon City.
Sinabi nito na isa ring maroon na Innova van ang huminto sa harap niya at tinutukan siya ng baril ng isa sa mga suspect saka tinangay ang kanyang mamahaling kotse. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended