Ayon kay LPG Marketers Association president Arnel Ty, ang inaasahang pagtaas sa halaga ng LPG ay bunsod ng patuloy na kaguluhan sa Iran.
"By April, it should have gone down but the contract prices went up to $537 per metric ton, which affected local LPG prices," pahayag ni Ty.
Tumaas ang World Oil prices ng $69 kada bariles kahapon bunsod ng isang linggo ng alitan sa pagitan ng London at Tehran at wala pang kasiguruhan kung kailan mapaplantsa ang gusot dito.
Dahil sa insidente ang mga oil traders ay nangangamba sa umiinit na tensiyon sa pagitan ng major crude supplier sa Iran at sa mga bansang Kanluran. (Angie dela Cruz at Edwin Balasa)