^

Metro

Graduating student tinarakan ng kapitbahay, patay

-
Hindi na makakatuntong ng entablado para kunin ang kanyang diploma at makapagpatuloy sa kolehiyo ang isang graduating high school student matapos itong patayin sa saksak ng kanyang kapitbahay dahil nagtalo lamang sa kanilang inuman kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Patay na nang idating sa Tondo Medical Center ang biktimang si Marelon Saljoga, 18, binata, ng Sto. Niño, Gulayan, Brgy. Concepcion, ng lungsod na ito, na nagtamo ng dalawang saksak sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilalang si Allan Ganeda, 18, residente rin sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa kahabaan ng Kaunlaran St., Brgy. Muzon, Malabon City.

Ayon sa saksing si Joselito Tiongco, 20, ng #98 Liwayway St., Bayan-Bayanan, ng nabanggit na lungsod, kapwa nagla lakad umano ang suspect at biktima na pasuray-suray. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa hindi nabatid na kadahilanan ang mga ito na nauwi sa pananaksak ng suspect sa biktima. Nalaman pa na sa pinanggalingan pa lamang nilang inuman ay nag-aaway na ang dalawa.

Kaagad namang tumakas ang suspect. Napag-alaman na graduating student ang biktima at nakatakdang umakyat ng entablado upang kunin ang diploma nito sa high school. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALLAN GANEDA

AYON

BRGY

JOSELITO TIONGCO

KAUNLARAN ST.

LIWAYWAY ST.

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

MARELON SALJOGA

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with