^

Metro

NAIA employees binalaan sa corruption

-
Dahil sa report na number one sa pinaka-corrupt ang Pilipinas,gumawa na rin ng aksyon ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga empleyado upang masawata ang anumang korupsyon sa loob ng paliparan.

Kaugnay nito, nagbabala si MIAA Gen. Manager Alfonso Cusi sa kanyang mga tauhan na huwag magtulog-tulog dahil sa binabansagan na ang Pinas na numero 1 corrupt sa buong Asya.

Nagpalabas na rin ng kanilang NAIA Primer on Services Standards para magsilbing babala sa mga NAIA employees na gumagawa ng korupsyon sa paliparan.

Isa sa mahigpit na ipinagbabawal at parurusahan nang pagkasibak sa serbisyo ay ang pagtanggap ng anumang uri ng regalo o cash para sa pansariling kapakanan o sa mga hindi maipaliwanag na fees kapalit ng magandang serbisyo at VIP treatment sa pasahero at indibiduwal.

Ipinagbabawal din ang pag-utang ng mga opisyales sa kanilang subordinates at pagpapautang naman ng pera na may mas mataas na interes. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ASYA

DAHIL

ELLEN FERNANDO

IPINAGBABAWAL

ISA

KAUGNAY

MANAGER ALFONSO CUSI

NAGPALABAS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SERVICES STANDARDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with