^

Metro

DOH official sibak sa nabulok na polio vaccine

-
Sinibak ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) ang isang opisyal ng Department of Health matapos na mapatunayang nagpabaya sa 70,000 na oral polio vaccine (OPV) na nagkakahalaga ng P6.5 milyon kung kaya’t hindi naipamigay.

Sa report ni PAGC chairwoman Constancia de Guzman si Carolina Herradura, Procurement and Logistics Service director ay tinanggal sa serbisyo matapos na mabunyag ang nasabing katiwalian.

Ang reklamo laban kay Heradura ay isinumite ng DOH Executive Committee noong Agosto 2006 kung saan noong 2004 ay una nang ibinunyag ng apat na kongresista na nabigong ipamigay ng DOH ang milyong halaga ng OPV vials.

Bukod sa pagsibak sa serbisyo, kinakansela rin ang kanyang eligibility, forfeiture ng mga credit at retirement benefits maging ang diskuwalipikasyon nito na manungkulan sa anumang tanggapan.

Ayon sa report, tungkulin ni Herradura na tiyakin ang mga vials na nakatago sa DOH warehouse sa Quirino Memorial Medical Center ay nananatiling maayos at mapakikinabangan pa rin.

Aniya, napatunayan umano ang kapabayaan bunsod na rin ng "discoloration" ng vials na nagresulta upang itapon na lamang ang mga ito.

Napag-alamam na ang mga vaccine ay bahagi ng may 578,600 vials o doses ng OPV na binili ng DOH na utang mula naman sa World Bank sa halagang $1,186,130.00. (Doris M. Franche)

vuukle comment

CAROLINA HERRADURA

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS M

EXECUTIVE COMMITTEE

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

PROCUREMENT AND LOGISTICS SERVICE

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with