Kaugnay nito, nagbabala si MIAA Gen. Manager Alfonso Cusi sa kanyang mga tauhan na huwag magtulog-tulog dahil sa binabansagan na ang Pinas na numero 1 corrupt sa buong Asya.
Nagpalabas na rin ng kanilang NAIA Primer on Services Standards para magsilbing babala sa mga NAIA employees na gumagawa ng korupsyon sa paliparan.
Isa sa mahigpit na ipinagbabawal at parurusahan nang pagkasibak sa serbisyo ay ang pagtanggap ng anumang uri ng regalo o cash para sa pansariling kapakanan o sa mga hindi maipaliwanag na fees kapalit ng magandang serbisyo at VIP treatment sa pasahero at indibiduwal.
Ipinagbabawal din ang pag-utang ng mga opisyales sa kanilang subordinates at pagpapautang naman ng pera na may mas mataas na interes. (Ellen Fernando)