Kotong-prof timbog sa entrapment
March 27, 2007 | 12:00am
Kalaboso ang isang 43-anyos na nursing professor sa isinagawang entrapment operation makaraang hingan nito ng halagang P10,000 ang kanyang estudyante kapalit ng pasadong marka, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.
Kinilala ang nadakip na suspect na si Susan Retirado, 43, Care Management 2 professor sa Southeast Asian College sa United Doctors Medical Center sa Quezon City at residente ng Doña Juana Subdivision, Brgy. Santolan, Pasig City.
Ang suspect ay nadakip sa isinagawang entrapment operation ng Marikina police matapos na humingi ng tulong ang biktimang si Harvy Linarez, 19, 3rd year nursing student ng nasabing paaralan.
Ayon kay Supt. Sotero Ramos Jr., nadakip ang suspect dakong alas-5 ng hapon sa isang food chain sa Riverbanks matapos na makipagkasundo ang biktima sa suspect na doon sila magkikita upang ibigay ang hinihinging P10,000 bilang kabayaran para pumasa ito sa nasabing subject.
Hindi na nakapalag ang suspect matapos na dambahin ng pulisya at kunin ang marked money sa kanyang estudyante.
Inihahanda na ang kaso laban sa naturang professor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest