LTO-NCR director pinalitan

Tinanggal na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Reynaldo Berroya mula sa posisyon nito bilang director ng Land Transportation Office-National Capital Region. Pumalit kay Berroya si dating Department of Transportation and Communication Assistant Secretary Ricardo Tan.

Nabatid na mismong ang Pangulo ang nagtalaga kay Tan sa puwesto kapalit ni Berroya. Nabatid na meron nang clearance mula sa Commission on Elections ang pagtatalaga kay Tan. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments