^

Metro

Supporters ni Satur itinaboy

-
Mahigpit nang ipinagba bawal ng Manila Police District (MPD) ang pagsasagawa ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo at taga-suporta ni Bayan Muna Representative Satur Ocampo sa tapat ng police headquarters matapos na umani ng reklamo mula sa mga negosyante, ospital at eskuwelahan na malapit sa naturang himpilan.

Ito naman ang nabatid mula kay MPD director Danilo Abarzosa sa gitna ng reklamo dulot ng perwisyo ng mga demonstrasyon kung saan naapektuhan na rin ang mga negosyong malapit sa UN Avenue, Ermita, Maynila.

Una nang nagreklamo ang pamunuan ng Medical Center Manila makaraang umalma ang mga pasyente dito mula sa emergency room dahil ingay ng mga nagra-rally.

Maging ang Araullo High School na malapit sa MPD ay naapektuhan din ang pagka-klase ng mga guro sa kanilang mga estudyante dahil sa ingay na dulot ng mga ito.

Bukod dito, ang pagsisikip din ng daloy ng trapiko aniya sa naturang lugar ay nakakaapekto din sa mga motorista .

Sinabi ni Abarzosa na papayagan lamang ang pagsasagawa ng kilos-protesta sa mga freedom park kabilang dito ang Plaza Dilao at Plaza Salamanca at kanilang ipatutupad ang 500 metro ang layo ng mga demonstrador.

Kaugnay nito, pasado alas-12 ng tanghali kahapon nang ilipat sa Rizal Hall ng MPD si Ocampo mula sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kung saan pinayagan naman siya ni Abarzosa na magpaaraw sa roof deck ng naturang Hall. (Doris Franche)

vuukle comment

ABARZOSA

ARAULLO HIGH SCHOOL

BAYAN MUNA REPRESENTATIVE SATUR OCAMPO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DANILO ABARZOSA

DORIS FRANCHE

MANILA POLICE DISTRICT

MEDICAL CENTER MANILA

PLAZA DILAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with