Ayon kay Atty. Teodore Te ng Flag, dapat pakinggan ni Makati RTC Judge Oscar Pimentel ang sinasabi nina Magdalo soldiers, Air Force Captain Segundino Orfiano at Lts. Francisco Ashley Acedillo, gayundin si Billy Pascua na walang basehan para aprubahan ang pagbabago ng plea ni San Juan dahil hindi pa naman lumilitaw ang iba pang sinasabing sundalo na nakaladkad ang pangalan sa naturang mutiny.
Hindi rin naman anya maipakita sa korte na may naganap ngang conspiracy sa naturang kaso kahit na may kabuuang 18 katao na ang ipinakitang witness at dokumento kaugnay ng kaso.
Sinabi pa ni Te na alinsunod sa Rules of Court, pinapayagan lamang na magka roon ng plea bargain kapag may partikular na krimen na may kinalaman din sa offense charged. Kapag pumayag anya ang korte na tanggapin ang pagbabago ng plea ni San Juan nangangahulugan lamang ito ng malaking epekto sa iba pang akusado hinggil sa nabanggit na kaso.
Una nang kinuwestyon ng mga ito kung ano ang motibo ni San Juan sa pagbabago ng plea na posible anyang naikamada na ng prosekusyon ang naturang kaso. (Angie dela Cruz)