^

Metro

Pekeng Maling gawa sa karne ng pusa at daga

-
Nasabat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may P1.5 milyon ng pekeng luncheon meat na hinihinalang gawa sa karne ng pusa at daga bago pa man ito maibenta sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay head agent Roland Argabioso, ng NBI Field Operations Division, na nasabat ang may 48,000 mga imitated luncheon meat sa isang warehouse sa 1320 Juan Luna St., Tondo, Manila.

Gumamit din ito ng deceptive labels kagaya ng sa luncheon meat ng Maling at maliit lamang ang size nito kumpara sa orihinal.

Ang naturang pekeng produkto ay walang registered distributor.

Ang orihinal na Maling ay nagkakahalaga ng P45, habang ang bogus product ay ibinebenta lamang sa halagang P32. Malaki ang paniwala ng mga awtoridad na ang naturang produkto ay buhat sa China.

Sa ulat na gawa sa karne ng pusa at daga ang naturang pekeng luncheon meat, sinabi ng NBI na hinihintay pa nila ang report ng Bureau of Food and Drugs na siyang umeksamin dito. (Evelyn Macairan)

vuukle comment

AYON

EVELYN MACAIRAN

FIELD OPERATIONS DIVISION

GUMAMIT

JUAN LUNA ST.

METRO MANILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ROLAND ARGABIOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with