Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, pinaghahandaan na nila ang mas malakas na kampanya kontra TB sa pamamagitan ng Directly-Observed Treatment Short-Course (DOTS) kaya hindi na umano nila hihintayin pang umabot ang kaso sa multi-drug assistant (MDR).
Kailangan din umano nilang ipaunawa sa mga pasyente na kailangan nilang uminom ng gamot nang tuluy-tuloy at walang mintis dahil ito umano ang isa sa mabisang paraan upang labanan ang TB.
Upang malabanan umano ang TB lalo na ang MDR-TB, kailangang mahigpit na ipatupad ng bansa ang DOTS strategy at siguruhing ginagawa ito ng pasyente.
Base pa sa mga eksperto, ang MDR-TB patients ay maaaring gamutin sa ilalim ng DOTS Plus Project gamit ang second line anti-TB drugs na binubuo ng 4 hanggang 5 gamot mula 18 hanggang 24 buwan at min san ay humahaba pa hanggang 32 months na tulad ng DOTS ay maaaring ibigay nang libre. (Gemma Amargo-Garcia)