Magkapatid patay sa nainom na asido

Patay ang magkapatid matapos na mapagkamalang tubig at ininom ang panlinis ng alahas kahapon ng hapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Binawian nang buhay habang ginagamot sa Family Clinic Hospital ang mga biktimang sina Kizzly Mae, 5 at Kyla Mae Navarro, 3, kapwa residente sa 1659 Andalucia St., Sta Cruz, Maynila.

Ayon kay PO3 Jay Santos ng MPD-homicide section dakong alas-9:45 ng umaga habang kumakain ng kornik ang magkapatid. Posible umanong nauhaw ang mga ito at naghanap ng maiinom sa bahay. Nakita ang isang baso na naglalaman ng panlinis ng alahas o sinoro na inakala ng mga paslit na tubig kaya ininom.

Hindi naman ito napansin ng kanilang ama na si Conrado Jacinto na noon ay nagbibihis at nakita na lamang ang kanyang mga anak na bumulagta na sa lapag.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga bata subalit hindi na rin naisalba ang buhay ng mga ito. (Doris Franche)

Show comments