^

Metro

Libreng bakuna sa batang Maynila

-
Dahil sa matinding init ng panahon ay inaasahan naman ang pagkalat ng ibat-ibang sakit kaya sa Maynila pinangunahan nina Manila Mayor LIto Atienza at Manila Inner-City Development Chairman Ali Atienza ang pagbibigay ng libreng bakuna sa mga kabataang mag-aaral sa lungsod.

Ang nasabing proyekto na tinawag na Libreng Bakuna kontra Measles, Mumps and Rubela (MMR)at ito ay ipagkakaloob sa mahigit na 50,000 grade one students na magmumula sa mga pampublikong paaralan. Ayon sa alkalde, sa tuwing sasapit ang tag-init ang kaso ng MMR ay tumataas at ang karamihan sa dinadapuan nito ay ang mga batang may 7- taong gulang.

"Ang kalusugan pa rin ang pangunahing binibigyan ng prayoridad ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng Buhayin ang Maynila Program. Habang isinasagawa natin ang tuluy-tuloy na pagbabago ng Maynila, kasabay na rin nating pinangangalagaan ang kalusugan ng ating mga residente," wika ni Mayor Atienza.

Sinabi pa ng alkalde na bunga ng kahirapan na dinaranas ng mga tao, ito ang nagbunsod sa Atienza administration na lalo pang palakasin ang kakayahan nito upang mapalawak ang pagbibigay ng serbisyo sa mga Manileño. Ang anti-MMR vaccination sa mga pribadong klinika ay nagkakahalaga ng mula P600.00 hanggang P1,500.00

Sinabi naman ni Manila Inner-City Development Chairman Ali Atienza na ang mga kabataang Manileño ay maaaring matuto at makapaglaro kung sila ay nasa maayos nakondisyon. "Huwag nating ipagkait ang kanilang pagiging aktibo at masayahin sa panahon ng kanilang kabataan," ayon pa sa batang Atienza.

Noong nakalipas na taon, ang pamahalaang lungsod ay namahagi na rin ng libreng anti-flu vaccines para sa mga nakatatandang Manileño sa anim na distrito ng Maynila, kauna-unahan sa mga LGUs. (Gemma Amargo-Garcia)

ATIENZA

GEMMA AMARGO-GARCIA

LIBRENG BAKUNA

MANILA INNER-CITY DEVELOPMENT CHAIRMAN ALI ATIENZA

MANILA MAYOR

MANILE

MAYNILA

MAYNILA PROGRAM

MAYOR ATIENZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with