^

Metro

Dinemolis ang bahay, lalaki nagpakamatay

-
Dahilan sa umano’y labis na pagdaramdam sa ginawang pag-demolish sa kanilang barung-barong, isang lalaki ang nagpakamatay kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang nasawi sa alyas na Mang Toto, may gulang na 30-35 anyos at isang pulubi.

Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na si Mang Toto ay natagpuang patay ng isang Emily Alfaro dakong alas-7 ng umaga kahapon sa dating kinatitirikan ng barung-barong nito sa ilalim ng tulay sa Basan St. malapit sa Quinta Market sa Quiapo.

Ayon kay Santos, bago ang pagkamatay ng biktima ay dinemolis ng mga tauhan ng city hall ang barung-barong nito sa nasabing lugar noong Martes kaya’t napilitan ang biktima na lisanin ang kanyang tirahan. Labis itong dinamdam ng nasawi na naging dahilan upang maging masakitin ito.

Kamakalawa ng gabi ay binalikan umano ng biktima ang lugar at doon nagpalipas ng magdamag at kahapon ng umaga ay natagpuan na itong walang buhay. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

BASAN ST.

DAHILAN

EMILY ALFARO

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANG TOTO

QUINTA MARKET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with