^

Metro

Mula Abril 1 singil sa tubig sa East Zone bababa

-
Ibaba ng pamunuan ng Manila Water na nagseserbisyo sa East Zone ng Metro Manila ang singil nito sa tubig ng may 16 na sentimo kada cubic meters mula sa Abril 1,2007.

Ayon sa Manila Water Co. Inc. ang naturang hakbang ay ipatutupad bunsod na rin ng naging pagbaba ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) component sa singil sa tubig bunsod na rin ng paglakas ng halaga ng piso .

Dahil dito, nilinaw ng naturang kumpanya na aabutin ng P3 ang mababawas sa bayarin ng water consumers na gumagamit ng 30 cubic meters ng tubig sa isang buwan.

"The reduction is due to the continuing strength of the peso versus other currencies, coupled with proper management of borrowings by the company," ayon sa Manila Water.

Ang Manila Water na isang Ayala -owned utility firm services ay nagseserbisyo sa eastern part ng Metro Manila at ilang lugar sa lalawigan ng Rizal . Ang West Zone naman sa Metro Manila ay seneserbisyuhan ng Maynilad Water. (Angie dela Cruz)

ABRIL

ANG MANILA WATER

ANG WEST ZONE

ANGIE

EAST ZONE

FOREIGN CURRENCY DIFFERENTIAL ADJUSTMENT

MANILA

MANILA WATER

MANILA WATER CO

MAYNILAD WATER

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with