Kaanak ni Asistio kinatay ng utol
March 18, 2007 | 12:00am
Isang umano’y kaanak ni Caloocan City 2nd District Congressman Luis "Baby" Asistio ang nasawi matapos itong pagtatagain at pagsasaksakin ng nakatatandang kapatid na inawat nito sa pagwawala dahil sa sobrang kalasingan sa droga sa nasabing lungsod kahapon ng madaling-araw.
Si Serafin Asistio, 28, pintor at residente ng Interior 131, Lakas ng Mahirap, Brgy. 11, Caloocan City ay agad na namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong mga taga at saksak sa katawan.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang kapatid ng nasawi na si Lheynid Asistio, 38, paint artist, sanhi ng tinamong tama ng .9mm caliber pistol sa kaliwang braso matapos itong barilin ng isa sa mga rumespondeng pulis dahil hindi ito maawat sa pagwawala.
Base sa pinagsamang imbestigasyon nina PO2 Ferdinand Naval at PO1 Ronwaldo Bermundez, kapwa may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng magkapatid.
Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, dumating ang suspek sa kanilang bahay na agad na nagwala dahil sa sobrang kalasingan sa droga na inawat naman ng biktima at ng ilan nilang kaanak.
Hindi naman agad naawat ang pagwawala ng suspek kaya’t nilapitan ito ng biktima upang mapakalma ngunit sa halip na tumigil ay lalo pang nagalit ang nakatatandang Asistio.
Dahil sa pangungulit na pag-awat ng biktima ay ito ang pinagbalingan ng suspect na agad na pinagsaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nang hindi pa makuntento ay pinagtataga pa.
Ilang kapitbahay ng pamilya Asistio ang tumawag sa himpilan ng pulisya at nang dumating ang mga rumespondeng awtoridad ay inabutan pa ng mga ito ang suspect na tinataga ang kapatid na wala nang buhay.
Nang utusan ng mga rumespondeng pulis ang suspek upang ibaba nito ang mga hawak na armas ay nagtangka pa ito na manlaban kaya’t napilitan na ang mga awtoridad na putukan ang bangag na si Asistio.
Dahil dito, duguang humandusay ang suspect at nabitiwan ang hawak nitong patalim kaya’t nagawang isugod ito ng mga pulis sa nabanggit na pagamutan kung saan ito nilalapatan ng lunas hanggang sa kasalukuyan. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest