Iniwan ng bf, bading nagbigti
March 17, 2007 | 12:00am
Hinihinalang kasawian sa pag-ibig ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang bakla sa pamamagitan nang pagbibigti, kahapon ng umaga sa Pasig City.
Kinilala ang biktimang si Alfredo Trinidad, 43, binata at residente ng 129 Sta. Ana St. Brgy. Sumilang ng lungsod na ito.
Ayon kay PO3 Rogelio Baltazar, may hawak ng kaso, natagpuan ang walang buhay na biktima dakong alas-9 ng umaga sa loob ng kuwarto nito.
Nabatid kay Baltazar na pumasok ang kaanak ng biktima sa kanyang kuwarto upang ayain sana itong mag-almusal subalit laking gulat nito nang makita ang biktima na walang buhay na nakabigting paluhod gamit ang nylon cord na itinali sa leeg at ibinuhol sa malaking cabinet ang kabilang dulo.
Isang suicide note ang natagpuan ng rumespondeng pulisya sa lugar ng insidente na nagsasaad ng "Patawarin n’yo ako sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa inyo. Sa mga pamangkin at kapatid ko salamat, iniwan na ako ng mahal ko, hindi ko kaya ito, kita kits na lang tayo sa final".
Saad ni Baltazar na posibleng hindi kinaya ng biktima ang sobrang kalungkutan matapos na iwan ito ng kanyang sinasabing nobyo kaya ginawa ang pagbibigti sa sarili.
Gayunpaman ay patuloy na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya para mabatid kung may foul play na naganap sa nasabing pagpapakamatay. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended