Baby inanod sa creek

Isang patay na bagong silang na sanggol ang natagpuang inaanod sa isang creek sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ilang mga batang namumulot ng mga lumang bote at plastik ang unang nakakita sa sanggol na inaanod sa creek malapit sa NIA Road sa East Triangle, Barangay Piñahan ng naturang lunsod.

Lumilitaw na bagong silang pa lamang ang sanggol dahil nakadugtong pa ang pusod nito at katabi pa ang inunan habang nakabalot sa isang asul na kumot. (Danilo Garcia)

Show comments