Utak sa sisters’ slay nasakote

Isang police inspector na utak umano sa pagpatay sa isang magkapatid na babae ang naaresto ng Manila Police District sa Sta. Mesa, Manila.

Iniharap kahapon ng pulisya kay Manila Mayor Lito Atienza ang suspek na si Pacquito Co na nakatalaga sa Traffic Management Group ng Valenzuela Police.

Ilang testigo ang nagturo umano kay Co bilang utak sa pagpaslang sa magkapatid na Rosa at Lorna Retumban sa Sta. Mesa, Manila noong Marso 13.

Hinahanap pa ng pulisya ang isa pa sa mga salarin umano na si Ryan Sapitula na pamangkin naman ni Co.

Ayon sa mga testigo, pinaslang ang magkapatid dahil sa paghahanap ng suspek sa mga alahas at gamit na naiwan kay Rosa ng kanyang biyenan bago ito namatay noong Enero. (Gemma Garcia)

Show comments